Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3.4M shabu nasamsam sa Angeles City

0 183

Nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat at dalawang pusher ang dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Ayon sa ulat, naaresto sa buy-bust operation sina Yasser Ibrahin at John Lagman. Sila umano ang mga pangunahing supplier ng shabu sa lungsod.

Nakakulong na sina Ibrahin at Lagman sa PDEA regional jail sa San Fernando at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.