Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3.4M shabu nasamsam sa Quiapo

0 305

Timbog ang apat na tulak at nakumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quiapo, Maynila, nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay PDEA Agent Christopher Basilio, isinagawa nila ang drug operation alas-otso ng umaga sa Brgy. 384 Zone 2, Quiapo, Maynila. Kinilala ang mga hinuling sina Akmad Sumira Utawan, Jimmy Sangcala Imperial, Aminah Adam Macabato, at Norainma Ibta Cabugatan, pawang nasa hustong gulang at matagal na umano nilang mino-monitor ang iligal na gawain.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act o 2002. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.