Abante Tonite Interactive

P3.5M sa last 2-round ng Roligon – Capitan

214

May nalalabi pang dalawang elim round ang “RMC 29th Anniversary 5-Cock Derby”, kabilang ang largang 5th round ngayong alas-4:00 ng hapon sa air-conditioned Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Sinabi kahapon ni Tiling Capitan ng RMC, na malaki pa ang tsansa ng mga gustong sumali dahil 15 pa lamang ang mga umiskor ng 3 panalo.

“Maraming entries sa last 3-cock elims sa March 14. Puwede rin ang straight five sa grand finals sa Mar. 28,” ani Capitan.

Larga ang 2-cock finals sa Mar. 21 para sa 1, 1.5, 2 at 2.5 points taya ang P300,000 sa day champions, at sa Mar. 28 para naman sa may 3 points lang.

Ihahatag ang premyong P3.5 milyon sa pasabong na ito ni Roligon CEO ­Dennis Ligon.