Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3.M ayuda kay Yulo

0 70

Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang P3.2M allowance para kay gymnastics star Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na nagti-training camp sa Japan para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo.

Naunang humirit ng P4M pondo si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion kay PSC Chairman William Ramirez at sa nabuo sa Board para sa preparasyon ng reigning world men’s floor exercise champion, na asam masungkit ang unang medalyang ginto ng ‘Pinas sa quadrennial sportsfest.

“I ask for P4M, but the board resolution only approves about P3M,” pahayag ni Carrion-Norton.

Hindi pa napapasakamay ng opisyal ang badyet, pero umaasa ang opisyal na makukubra na ito sa lalong madaling panahon.

“However, we’re not receiving it yet and I wish that I could get the money as soon as possible,” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.