Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P300K nahukay ng mga construction worker, kaso wala na pakinabang

0 298

RP

Swerte na sanang maituturing ang mga construction worker sa Surigao del Sur matapos makahukay ng limpak-limpak na salapi habang gumagawa ng fence sa isang covered court.

Ngunit ang perang binaon, hindi na pala pwedeng maipambili ng kahit ano.

Ito’y dahil lumang bill na ang mga nakuha ng obrero kung saan halo-halong denominasyon ang nahukay.

Ayon kay Police Regional Office 13 spokesperson Police Maj. Renel Serrano, hindi pa nila kilala kung kanino ang nasabing pera.

Gayunpaman, hindi na ito mapapalitan dahil paso na ang deadline na ibinigay ng Bangko Sentral ng Pilipinas para mapapalitan ang mga lumang bill.

Leave A Reply

Your email address will not be published.