Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P300M bakuna kontra COVID nilaan sa Antipolenyo

0 96

Tatlongdaang milyong piso ang inilaan ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City para sa inorder nitong bakuna laban sa COVID-19.

“Naglaan po tayo ng P300 milyon para sa programang ito,” pahayag ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares kung saan inilalatag na rin aniya nila ang mga alituntunin sa gagawing libreng pagbabakuna na ikinoordina nila sa tulong ng National Task Force on Covid-19 at sa Department of Health.

SM food to go Banner Ad

“Darating ngayong taon ang COVID vaccines na ating inorder sa tulong ng NTF at DOH,” ayon kay Ynares.

Ayon pa sa lady mayor, hindi umano ito sapilitan at naiintindihan niya kung nangangamba ang ilan sanhi na rin ng kontrobersya sa bakuna sa Dengvaxia.

“Ang libreng COVID vaccination program po ay magiging voluntary para po sa mga Antipolenyong nais magpa bakuna. Nakahanda na po ang ating health team para sa target roll-out sa 3rd-4th Quarter of 2021. Standby lang po sa mga susunod na abiso” sambit pa ng mayora.

Leave A Reply

Your email address will not be published.