Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P30K imported alak, na-checkpoint

0 295

MARIVELES, Bataan — Nasakote ng mga kapulisan ng bayang ito ang mahigit sa P30,000 halaga ng ilang imported na alak sa isang checkpoint noong Biyernes.

Ayon kay Lt. Col. Ronald Almirol, Mariveles police chief, ang mga alak ay nagkakahalagang mahigit P30,000 kung saan hanggang ngayon ay kasalukuyan pang umiiral ang liquor ban sa Mariveles.

Pinangunahan ni Mayor Jocelyn Castañeda kasama si Almirol, ang pagbubuhos ng mga alak sa kanal sa harapan mismo ng munisipyo upang hindi na ito mapakinabangan pa.

“Ayon sa initial information, ang nasabing mga alak ay idedeliber umano sa isang kompanya pero hindi na natin ma-determine kung saang kumpanya ito,” ayon kay Almorol. (Randy V. Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.