Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P30M gamot galing Hongkong pinuslit

0 51

Tinatayang P30M o kabuuang P29,328,000 halaga ng mga hindi rehistradong gamot ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula sa Hong Kong.

Ang mga gamot, na nasa 146,600 kahon, ay walang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) na nasa kabuuang P29,328,000, ayon sa pahayag ng BOC-NAIA.

Sinabi ng BOC-NAIA na ang consignee ay hindi matagpuan sa ibinigay nitong address.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga padala ay naglalaman ng mga kahon ng Lianhua Qingwen Jiaonang, traditional Chinese medicines na kinokontrol ng FDA.

Ayon sa BOC ang mga nakumpiskang mga gamot ay isasailalim sa seizure and forfeiture proceedings para sa paglabag sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) na may kaugnayan sa Section 117 (Regulated Goods) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at ang Food and Drugs Act. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.