Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P30M na sa Olympic gold

0 91

Magiging multi-millionaire bukod pa sa karangalan at ligaya, ang maaabot ng sinumang atletang mananalo ng gold medal sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan sa parating na July 23-August 8.

Pinatamis ni business tycoon Ramon S. Ang ang cash pot para sa nalalapit na paligsahan sa pagdagdag ng P10M sa bawat makaka-gold, P5M sa bawat silver at P2M sa bronze, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na dumalo Martes sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

SM food to go Banner Ad

Unang inihayag ni sports patron Manuel Pangilinan sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation ang additional P10M-P5M-P2M para sa G-S-B winners, gaya ipagkakaloob ng Philippine Sports Commission.

“Now RSA is giving the same amount,” pagbubunyag ni Tolentino, hinirit na P30M na ang makukuha sa gold winner, P15M sa silver, at P6M sa bronze. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.