Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P30M pekeng yosi, naharang sa Misamis

0 228

Tinatayang P30 milyong halaga ng iligal na yosi ang nasabat ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa isang pier sa Misamis Oriental noong Mayo 20.

Galing umano ng China ang mga sigarilyo na naharang ng BOC sa Mindanao Container Terminal sa bayan ng Tagoloan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nadiskubre umano ang mga sigarilyo sa gitna ng pag-iinspeksyon ng Enforcement Security Service ng BOC. May mga kasamang tsinelas pa raw ang mga sigarilyo at idineklarang “public effects” para maitago ang tunay na laman.

Iniimbestigahan ngayon ang consignee ng mga sigarilyo na nagngangalang Lorna Oftana na taga-General Santos City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.