Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P30M smuggled yosi nasamsam ng BOC

0 86

Tinatayang nasa P30 milyon ang halaga ng mga smuggled sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP)-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), sa loob mismo ng MICP kamakailan.

Bilang bahagi ito ng kampanya ng BOC na sugpuin ang smuggling ng mga illegal na sigarilyo sa bansa.

Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagpasok ng kontrabando sa Pilipinas kaya’t kaagad na nag-isyu ng alert order laban sa shipment na naka-consigned sa isang MBS Cargo Movers at orihinal na idineklara bilang Personal Effects.

Nang suriin ang shipment, natuklasan na ang mga ito ay aktuwal na naglalaman ng 820 master cases ng Astro brand cigarettes at tinatayang may street value na P30 milyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na Pebrero 9 nang masamsam ang smuggled cigarettes, na nagmula sa China ngunit ang mga sako ay may mga markings ng Myanmar.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng inventory at imbestigasyon ang BOC para sa kaukulang pagsasampa ng kaso para sa posibleng paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Kaugnay nito, habang patuloy ang Pilipinas sa recovery ay tiniyak naman ng MICP na mananatili silang vigilante sa pagprotekta sa mga borders ng bansa upang mapigilan ang pagpupuslit ng mga smuggled goods sa ilalim ng paggabay ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.