Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P310M shabu sinamsam ng PNP

0 96

Halos P310 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober ng Philippine National Police sa isang buwan lang na operasyon kontra droga.

Sinabi ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan na kahit may COVID-19 pandemic ay hindi tumigil ang pulis sa paghahabol sa mga drug operators.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aabot sa 5,552 drug offenders ang inaresto mula Sept. 2 hanggang Oct. 2, habang 45.52 kilograms ng shabu ang nakumpiska.

Sinabi pa ni Cascolan na resulta ito ng PNP Operational Strategy of Enhanced Managing Police Operations (EMPO) na siyang nagpalawak sa konsepto ng anti-criminality kasabay sa regular law enforcement na kanilang aktibidad.

“These efforts also resulted in 5,906 persons arrested, 1,432 loose firearms recovered and a three-fold hike in the number of recovered motor vehicles from 2,099 in August to 9,248 in September,” sinabi nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.