Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P316M pekeng Nike, Lacoste atbp nasamsam

0 317

Umabot sa P316 milyong halaga ng mga kontrabando ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Navotas City at Pasay City kahapon.

Ang mga kargamento ay nasabat sa operasyon ng mga tauhan ng Manila International Container Port’s at Port of Manila’s Customs Intelligence and Investigation Service bilang bahagi ng pinaigting na anti-smuggling campaign ng BOC.

Sinalakay ng composite team ang dalawang storage facility sa mga naturang lungsod noong Mayo 7 at nakumpiska ang iba’t ibang iligal at IP infringing item.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na ang unang team ay nagtungo sa storage facility sa Navotas kung saan nadiskubre ang mga smuggled frozen meat, peking duck at black duck na pawang tinatayang nagkakahalaga ng P16 milyon.

Ang ikalawang grupo naman ay nag-inspeksiyon sa mga imbakan sa Pasay, kung saan nila nadiskubre ang mga pinuslit na pekeng damit gaya ng mga brand na Nike, Lacoste, Jag, Louis Vitton, Jordan, Crocs, Adidas, Havaianas, Disney, Frozen, Hello Kitty, Tribal, Dickies, Mossimo, Levi’s, Petrol, Gap, Fila, Uniqlo, Lee, Puma, DC at Marvel na may kabuuang tantiyang halaga na P300 milyon.

Ang  mga nasabing kagamitan ay sumasailalim na sa imbentaryo at imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.