P31B dagdag budget sa agrikultura

370

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang hiling ng Department of Agriculture na P31 bilyong supplemental budget.

Ayon kay Secretary William Dar, gagamitin ang karagdagang [ond para sa `Plant, Plant, Plant’ program ng kagawaran na layong palakasin ang food adequacy level ng bansa sa harap ng dinaranas na krisis bunga ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tinawag din ng kagawaran ang nasabing programa bilang `Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) Kontra sa COVID-19’.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Dar sa pagkaka-apruba ng dagdag budget para maisulong na nila ang nasabing programa.(Riz Dominguez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...