Abante Tonite Interactive

P31B Metro expressway sisimulan ngayong taon

By
2,748

Isinagawa na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang katuwang nitong pri­badong sektor ang groundbreaking ceremony para sa unang bahagi ng P31.32 bil­yon na Southeast Metro Manila Expressway (C-6) sa Taguig City.

Ang proyektong bahagi ng Public-Private Partnership (PPP) ay kinabibilangan ng pagtatayo ng isang koneksiyon ng 2.4 kilometro mula sa Skyway hanggang sa Circumferential Road 5 (C-5).

Sinabi ni Raoul E­duardo Romulo, chief finance officer ng San Miguel Holdings Corp., na kapag naitayo na ay mag-uugnay ito sa umiiral na koneksiyon sa Food Terminal Inc. (FTI) ng Skyway hanggang C-5 at ang lahat ng daanan ay mapapataas at magkakaroon ng anim na toll plaza.

Ang San Miguel Holdings ay ang pribadong konsesyonaryo ng proyekto.

Sa sandaling makompleto ang unang yugto ng C-6, inaasa­hang mababawasan ng kalahating oras ang paglalakbay mula sa Katimugang bahagi ng Metro Manila hanggang sa mga distrito­ ng mga negosyo sa Taguig at Makati City.

Kung maglalakbay umano mula sa South papunta sa lugar ng Taguig o Makati o kahit saan sa North, ito ay uubos ng minimum na isang oras at kalahati. Kapag naitayo at matapos ang unang­ yugto, inaasahang mababawasan ng hindi bababa sa 50 porsiyento, ayon kay Romulo.