Abante Tonite Interactive

P33.75B pautang sa edukasyon katiting

By
1,005

Kung ikukumpara sa P266B na loan para sa kotse at motorsiklo ay kati­ting lamang ang P33.75B na pautang para sa edukasyon.

Ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao, hindi sapat ang tuition at iba pang school fees para mapondohan ang paglago ng edukasyon sa bansa.

Mas malaki pa nga aniya ang pautang ng mga bangko para maka­bili ng mga motorsiklo at kotse ang mga Filipino.

“Kailangan ng abot-kayang pautang mula sa mga bangko para matulungan ang mga pribadong paaralan, lalo na sa mga probinsiya,” pahayag ni Siao.

Tila hindi umano prayoridad ng mga bangko ang magpautang sa mga pribadong paaralan dahil mas mababa pa sa isang porsiyento ng lahat ng kanilang loan ang napunta sa sektor ng edukasyon.

“Halos pitong tril­yong pisong ipinautang ng mga bangko noong 2017. Wala pang 0.6 percent niyan ang loans to education sector,” paliwa­nag ni Siao.
Indikasyon umano ito ng mababang prayoridad ng banking sector sa edukasyon.

“Last January, loans to educational institutions amounted to P32.8 billion. That same month, motor vehicle loans summed up to P262.8 billion. Preliminary fi­gures for February 2018 show bank loans to education at P33.75 billion. Compare that to the car and motorcycle loans total of P266 billion,” dagdag nito.

Kaugnay nito, imi­numungkahi ni Siao sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na magba­langkas at magpatupad ng mga patakaran para dumami ang loan ng mga bangko sa mga eskuwelahan lalo na sa mga kolehiyo at pamantasan.

“The Department of Finance (DOF) can also help by sourcing foreign grants for public and private schools. For huge capital outlays, education bonds may be the proper solution.

Private banks must also carry their just share of the burden to improve the quality of education in our country by giving more loans to ele­mentary schools, high schools, colleges, and graduate schools,” pagtatapos ng solon.