Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P345K tinali ni vice mayor sinwitik

0 193

Nasa 23 mga sasabunging manok na sinasabing pag-aari ng isang vice mayor sa Cebu ang ninakaw sa farm nito sa Brgy. San Francisco, Sto. Tomas City, Batangas.

Huwebes ng umaga nang madiskubre ng handler ng EA Diamond Dragon Farm na pag-aari ni Tuburan, Cebu Vice Mayor Aljun Diamante na nawawala ang mga sasabungin.

Tinatayang nasa P345,000 ang halaga ng mga nawalang manok.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, batay sa imbestigasyon ng Sto. Tomas City police, nagawang makapasok ng mga salarin matapos gupitin ng mga ito ang isang bahagi ng barbed wire na nakabakod sa nasabing farm.

Ayon sa pulisya, isang nagngangalang Edwin alyas Toto na dating trabahador sa farm ang hinihinalang nagnakaw sa mga manok dahil dalawang araw bago ang nakawan ay pumunta pa ito sa naturang farm kasama ang ilang kalalakihan upang kunin umano ang isang sasabungin na pag-aari nito na naiwan umano nito roon.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at hinahanap ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.