Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P34M shabu kinumpiska sa 2 tulak

0 109

Dalawang sinasabing kilabot na tulak ng iligal na droga ang nalambat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakumpiskahan ng tinatayang P34 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation nitong Biyernes ng gabi sa Taguig City.

Sa ulat ng PDEA, isinagawa ang operasyon sa Col. Martines Street sa South Signal Village sa lungsod.

SM food to go Banner Ad

Matapos na may makapagbigay ng ‘tip’ at makumpirma ang bentahan ng shabu, agad na nagsagawa ng operasyon ang PDEA at nabitag ang dalawang suspek na hindi pa muna pinangalanan ng pulisya.

Nakumpiska sa dalawa ang aabot sa limang kilo ng shabu, boodle money at isang motorsiklo na ginagamit umano sa iligal na transaksyon.

Nakapiit na ang mga suspek sa PDEA detention cell. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.