Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P34M shabu nasabat sa Parañaque

0 56

Umaabot sa P34 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang buy-bust sa Parañaque City noong Huwebes ng gabi.

Arestado sa inilatag na operasyon ng magkakasanib na puwersa ng NCRPO, SPD, at Parañaque City Police ang suspek na si Kenneth Vito Cruz, 32, ng Fountain Breeze, Lombos Ave., Brgy. San Isidro, Sucat, Parañaque.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat, inilatag ang buy-bust laban sa suspek alas-8:45 ng gabi sa kahabaan ng Fountain Breeze kung saan nagresulta ito sa pagkakasamsam umano mula kay Cruz ng isang kilo ng hinihinalang shabu at hiwalay pang apat na kilo ng parehong droga, P1,000, at isang cellphone.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.