Abante Tonite Interactive

P34M shabu nasamsam sa Tawi-tawi buy-bust

161

Umaabot sa limang kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang P34 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi kahapon ng umaga.

Naaresto sa nasabing raid ang tatlong suspek na sina Haberson Jaafar, Elmer Jamadin, at Adzfar Asali.

Nasabat ang droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Bonga ng nabatid na lalawigan dakong alas-8:30 ng umaga.

Napag-alaman na isang police poseur buyer ang kumuha ng shabu sa mga suspek.

Nang magkaabutan na ng droga ay dito na inaresto ang mga suspek katuwang ng mga awtoridad na nasa paligid ng lugar. (Edwin Balasa)