Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P357B oil tax nawawala sa `paihi’ modus – Salceda

0 49

Bilyon-bilyong kita ang nawawala sa gobyerno sa dahil sa fuel smuggling kaya pinabubuo ng isang mambabatas sa Department of Finance ang Task Force `Paihi’ para mapigilan ang modus na ito.

Sa pagdinig nitong Lunes ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, sinabi ng mambabatas na umaabot sa P357 bilyon ang nawalangkita sa gobyerno mula 2010 hanggang 2019 dahil sa `paihi’ o pagpupuslit ng petrolyo.

Ang P357 bilyon ay katumbas aniya ng kalahati ng natatanggap na pondo ng mga lokal na pamahalaan mula sa national government kada taon o ng apat na taong pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P).

Ayon kay Salceda, pinakamadali ang smuggling sa mga freeport zone kung saan hindi makakapasok ang Bureau of Customs at sa mga Customs bonded warehouse (CBW) kung saan dinadala ang mga produkto pero hindi pa binubuwisan. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.