Abante Tonite Interactive

P358M ginastos ng Makati para sa contraceptives atbp.

106

Halos 300,000 na ang nabiyayaan ng libreng gamot ng pamahalaang pang-lungsod ng Makati.

Base sa ulat ni Makati Health Department chief Dr. Bernard Sese kay Mayor Abby Binay, naglabas na sila ng P358.7 million sa ipinamigay nilang gamot sa walong sangay ng Planet Drugstore simula noong Enero hanggang Agosto.

Kabilang sa mga nabigyan ng mga libreng gamot ay mga pasyente ng Ospital ng Makati (OsMak), mga residente ng 33 barangay sa lungsod, mga kawani ng city hall at maging mga kawani ng mga ahensiya ng gobyerno.

Kabilang naman sa mga naibigay na mga gamot ay para sa diabetes, hypertension, cardio-vascular diseases, hika, allergy, ulcer at maging sa sexually transmitted infections.

Bukod pa dito ang ipinamimigay na multi-vitamins at oral and injectable contraceptives.

Samantala ang mga senior citizens at mga bed-ridden na pasyente ay hinahatiran sa kanilang mga bahay ng mga maintenance medicines.

Ang mga Makati Yellow Card holders ay libre din sa medical consultations gayundin sa subsidized hospitalization sa mga emergency at in-patient care sa OsMak.