Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P35B yosi tax scam hinahalukay

0 186

Ni Nancy Binay

Ibinunyag ng isang whistleblower na kasalukuyang iniimbestigahan ang mga opisyal ng APO Production Unit dahil sa umano’y pagpapalit ng configuration sa stamp gun na ginagamit sa mga pakete ng sigarilyo nang walang pahintulot mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa source, nasa P35 bilyong buwis ang sangkot sa anomalya na nagsimula noong Hunyo 2020 kung saan ay inilabas ang bagong stamp gun sa buong bansa.

“The configuration of the gun stamps were changed by APO officials without the approval and knowledge of the BIR. Therefore any examiner using the changed gun stamps would presume that taxes have been paid because the alarm of the gun did not go off when ran through the stamps in the cigarette packs,” sabi ng source base umano sa isiniwalat ng whistleblower.

Ang APO ang official printer ng BIR ng mga sin tax revenue stamp at siya ring nag-iimprenta ng mga security-sensitive document ng gobyerno katulad ng passport, birth certificate at iba pa.

Bago pa umano naganap ang excise tax scam ay kinuwestiyon na rin ang security ng bagong e-passport matapos na maisyuhan ang ilang dayuhan ng pekeng pasaporte sa kabila ng pinangakong integridad sa pagpapagawa ng digital passport.

Nabatid pa na base umano sa Commission on Audit (COA) report, nilabag ng APO ang procurement laws nang i-subcontract nito sa isang pribadong kompanya ang pag-iimprenta ng mga dokumento kung kaya’t nalantad ang integridad ng mga government form.

Leave A Reply

Your email address will not be published.