Abante Tonite Interactive

P35M cocaine ‘nabingwit’ ng pamilyang nag-picnic

0 400

Aabot sa P35 mil­yong halaga ng pitong kilo ng cocaine na nakita ng padre de pamilya habang nagpi-picnic sa karagatang sakop ng Mauban, Quezon kahapon.

Sa salaysay ni Ruel Perez, 44, nagpi-picnic umano ito kasama ang pamilya malapit sa beach na sakop ng Brgy. Cagsiay nang mapansin nito ang mga palutang-lutang na mga package at tinatangay ng alon patungo sa baybayin.

Kinuha umano ito ni Perez at nang tingnan ang loob, dito na tumambad ang hinihinalang droga na pamilyar umano sa mga nakuhang cocaine sa iba’t ibang panig ng bansa.

Agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad si Perez.

Nang dalhin ng pulisya sa crime laboratory ang mga nakuhang bloke na nakabalot pa sa packaging tape, dito na nakumpirma na cocaine ang laman nito na tinata­yang nagkakahalaga ng P5 milyon kada kilo.