Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P35M gulay, yosi galing China sinamsam

0 153

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang mga hinihinalang smuggled na imported gulay, yosi at iba pang mga kalakal galing China sa isinagawang operasyon sa dalawang bodega sa Navotas at Maynila.

Sa bisa ng Letters of Authority na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ininspeksiyon ng tauhan ng Port of Manila, kasama ang Philippine Coast Guard, Enforcement and Security Service at National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang bodega sa Asuncion St., Tondo, Maynila at sa Vifel Storage, North Bay Boulevard sa Navotas.

Nadiskubre sa dalawang bodega ang hinihinalang hindi idineklara at ibebentang murang mga imported na yellow onion, ginger, red onion, tapioca, flour, sugar, stanchion, cosmetics at iba’t ibang brandh ng sigarilyo katulad ng Marlboro, Winston, Mighty at Winnsboro, na nagkakahalagang P35 milyon.

Ayon sa BOC, ang bodega sa Navotas ay may dalawang storage facility.

Kabilang din sa mga nadiskubre na sinasabing illegally smuggled ay mga beef head, chicken legs, chicken liver, iba’t ibang fruit product. Mayroon din umanong mga produktong gawa sa bansa na expired meat at fish products na ipina-hold na sa National Meat Inspection Service at Business Permit and Licensing Office.

Nabatid na isang alyas `Lei Tsai’ at iba pang kasabwat nito ang responsable sa posibleng iligal na importasyon ng mga gulay at iba pang kalakal na isinasailalim na sa beripikasyon. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.