Abante Tonite Interactive

P35M pabuya sa Batocabe case, naipamahagi sa mga tipster, witness – PNP

0 156

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na naipamahagi sa mga informant ang P35-million reward money na kinalap laban sa mga pumatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Ani PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, handa umano ang pambansang pulisya na magbigay ng mga detalye kung paanong hinati sa mga witness at tipster ang milyong pabuya.

“Along with the PNP IG [Intelligence Group], the PNP CIDG [Criminal Investigation and Detection Group] allocated to all informants and suspects/witnesses a total amount of P20M from the Office of the President, and P13M from Congress. The Albay Police Provincial Office allocated the P2M from LGU of Albay for a total amount of P35M reward money,” sabi ni Banac sa isang statement.

“We assure the public that all money is accounted for, and the PNP CIDG and PNP IG are ready to present and provide the details if and when Congress asks for it,” dagdag pa niya.

Reaksyon ito ni Banac sa nakabinbing pagsisiyasat ng House public accounts committee sa naging paggamit sa reward money para sa ikalulutas sa kaso ng pagpatay kay Batocabe.