Abante Tonite Interactive

P36B imported rice nagpadapa sa mga magsasaka

0 156

Umabot na sa 4.26 mil­yong toneladang bigas na aabot ang halaga sa mahigit P36 bilyon ang pumasok sa bansa mula Enero hanggang Hulyo simula nang tanggalan ng hadlang ang pag-aangkat nito sa ilalim ng Rice Tarrification Law na nagpahirap ngayon sa libo-libong magsasaka.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority kahapon, $703.1 milyon na ang halaga ng pumasok na imported rice mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon kumpara sa $373.5 milyon nu’ng unang pitong buwan ng 2018.

Base sa presyo na $165 per ton na ave­rage price na itinala ng International Grains Council nitong Agosto, ang $703.1 milyong imported rice ay aabot sa 4.26 milyon samantalang ang ibinigay na permit ng Bureau of Plant Industry ay para sa 2.04 milyong bigas lamang. Ang pag-aangkat ng bigas ay sakop ng 2,294 Sanitary and Phytosanitary Import Clearance na ibinigay sa 208 na importers mula Marso hanggang Hulyo ngayong taon.

Hindi pa kasama sa datos ng PSA ang smuggled imported rice o ‘yung mga pinupuslit nang walang papeles at hindi nagbabayad ng ta­ripa. (Eileen Mencias)