Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P370M utang ng PhilHealth sa Lung Center

0 175

Nasa P370.7 milyon ang pagkakautang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Lung Center of the Philippines, kasama ang mga luma o dormant at long standing account na nasa P43.1 milyon at mga denied claims na P7.6 milyon, ayon sa Commission on Audit (COA).

Ang specialization ng Lung Center ay ang paggamot ng mga sakit sa baga na higit na mas marami ngayong may COVID-19 pandemya kung saan ang baga at respiratory system ng mga nahahawa ang bumibigay.

Ayon sa COA, P282.1 milyon sa mga hindi bayad ay wala pang isang taon sa libro ng Lung Center samantalang P45.5 milyon naman ang isa hanggang dalawang taon pa lamang na hindi bayad.

Nasa P43.1 milyon naman ang higit dalawang taon nang hindi binabayaran.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng COA, 825 claims ng Lung Center ang tinangging bayaran ng PhilHealth o ang tinatawag na denied claims mula Enero hanggang Setyembre 2020 pa lamang.

May P435 milyong subsidy ang Lung Center mula sa national government na nakuha noong 2020 ngunit P90.2 milyon dito ay para sa taong 2019 pa dapat.

Ang P17.9 milyon naman ay para sa suweldo ng mga nurse nang kinailangan na nitong magdagdag ng mga tao matapos kumalat ang COVID-19 sa bansa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.