Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P37M ‘tsaa-bu’ nasamsam sa tagakabit ng CCTV

0 72

Nasamsam sa 43-anyos na CCTV installer ang umaabot sa halos P37 milyong halaga ng “tsaa-bu” o hinihinalang shabu na nakasilid sa mga Chinese tea bags sa buy-bust operation na ikinasa sa Brgy. Sto. Cristo, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Batay sa ulat, ang suspek na si Jason John Alberca ay naaresto ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office Regional Drug Enforcement Unit, City Drug Enforcement Unit ng Lipa City sa Batangas, at ng Quezon City Police District Station 15 sa buy-bust operation sa harap ng isang kilalang mall sa Brgy. Sto. Cristo, alas-6:40 ng gabi (September 3).

Nauna rito, tinarget ng pulisya ang suspek nang makatanggap ng report na sangkot ito sa bentahan ng shabu.

Sa operasyon, nakabili ng isang kilo ng shabu ang awtoridad kapalit ng P1.5M buy-bust money kaya agad inaresto ang suspek.

SM food to go Banner Ad

Nagawa namang makatakas ng dalawa pang sina Juneross Guillermo De Leon, 38, at Michael De Leon, 43, sakay ng puting Nissan Navarra pick-up patungong Balintawak.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong gold plastic ng Chinese tea bag na naglalaman ng tig-isang compressed seal transparent plastic bag ng hinihinalang shabu na 3 kilo at nagkakahalagang P36.8M.

Nasamsam ang isang asul na Sony cellphone, 2 eco bag at boodle money na may 15 piraso ng genuine na P1,000 na ginamit na buy-bust money.

Lumilitaw na ang naturang shabu ay bahagi umano nang malakihang transaksiyon sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.