Abante Tonite Interactive

P38 per kilo ng bigas pinaikot sa Tondo at Payatas

By
1,983

Nagsimula nang magpaikot ang Department of Agriculture (DA) ng dalawang truck na may kargang 1,000 kaban ng bigas sa Metro Manila para magbenta, kung saan marami ang mahihirap.

Nabatid na umikot na ang mga truck sa Tondo, Maynila at sa Payatas, Quezon City noong Lunes.

Emmanuel Piñol na nakabalot ang bigas ng tig-lima at tig-sampung kilo at ibebenta ng P38 kada kilo. Sinabi ni Agriculture Secretary commercial rice sa merkado. Mas mahal pa rin ito kumpara sa P27 kada kilo na ibinebenta ng National Food Autho¬rity (NFA) pero mas mura naman kaysa sa karamihang

Undersecretary Bernadette Romulo. Sabi ni Piñol, ang programang Bigas ng Masa TienDA ay pinamumunuan ni Agriculture

Layunin nitong tanggalin ang middlemen para deretso nang makabili ng bigas ang mga tao sa magsasaka na siyang magpapababa ng presyo sa mamimili at magpapalaki naman ng kita ng mga magsasaka.

Nangako na aniya na magpapadala ang Star Capalay Association ng Nueva Ecija ng 500 kaban ng bigas na tig-25 kilo ang laman.

Sabi ni Piñol, may mga grupo na rin ng magsasaka mula sa Cagayan Valley at Ilocos ang nangakong magbebenta sa Bigas ng Masa TienDA program.