Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P38M iligal na copper mask bistado sa raid

0 306

Nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang aabot sa P38 milyong pekeng copper mask sa raid sa ilang tindahan kamakailan sa lungsod ng Maynila, Pasay at sa Biñan, Laguna.

Ayon kay NBI Officer-in-Charge Eric Distor, nagreklamo sa ahensiya ang mga opisyal ng JC Premiere Business International, ang opisyal na distributor ng copper mask sa bansa para mapigilan ang paglaganap ng mga pekeng produkto sa merkado at maging sa online selling platforms.

Sa imbestigasyon natukoy ang kinaroroonan ng mga bodegang pinag-iimbakan ng mga pekeng copper mask.

Bitbit ang search warrant, sinalakay ng NBI ang pitong mga bodega sa Binondo, Pasay City at isa pang bodega sa Biñan, Laguna na nagresulta sa pagkakakumpiska ng kahon-kahong pekeng copper mask na nagkakahalagang P38 milyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.