Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P396B DPWH `pork’ ilipat sa PhilHealth – Ping

0 134

Mas makabubuti kung gamitin na lamang bilang pondo para sa Universal Health Care (UHC) program ang kuwestyonableng P396 bilyon sa panukalang 2021 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Sa radio interview kay Lacson nitong Linggo, sinabi ng senador na naantala na ang pagpapatupad ng Universal Health Care Law na nilagdaan noong Pebrero 2019 dahil sa kakulangan ng pondo.

“Puwede,” tugon ni Lacson nang tanungin kung maaaring ilipat na lamang sa PhilHealth ang P396 billion lump sum ng DPWH para magamit sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pangalawa aniya ang DPWH sa may pinakamalaking alokasyon sa National Expenditure Program (NEP) na P667 bilyon at kasama dito ang P396 bilyong lump sump na `nakaparada’ sa central office ng kagawaran.

Paliwanag pa ni Lacson, nakasaad sa batas na dapat maglaan ng P241 bilyon para sa UHC upang makober ang mga piling barangay na pagkakalooban nito samantalang ang pondong inilaan naman para sa PhilHealth ay P71 bilyon lamang sa ilalim ng panukalang 2021 budget.

“So talagang delayed na delayed ang implementation ng UHC. Tinamaan pa tayo ng pandemya,” ani Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.