Abante Tonite Interactive

P3M armas binalato sa Mandaue PNP

0 189

Umaabot sa P3 milyong halaga ng mga high-powered firearm ang natanggap ng Mandaue City Police Office (MCPO) mula sa kanilang Local Government Unit (LGU).

Nais kasi ni Mandaue Mayor Jonas Cortes, na paigtingin pa ang police visibility sa siyudad upang matiyak ang kaligtasan ng Mandaue at ng mga residente nito.

Naganap ang turn over ceremony Biyernes nang hapon matapos ipagkaloob ng alkalde ang 12 firearm, 10 M4 rifle at dalawang sniper rifle sa Mandaue Police.

“I’m happy with the police visibility in the city, but we need to improve it. We have to work together to achieve this,” ayon sa alkalde.

Kasabay pa nito ang pangakong maglalaan ng mga brand-new vehicle at two-way radio para sa kapulisan.

Malaki naman ang pasasalamat ni MCPO Director Jonathan Abella sa mga naibigay na armas na umano’y makatutulong para sa pagpapairal ng peace and order sa lungsod. (Vick Aquino)