Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3M marijuana sinunog

0 145

NASA P2.7 milyong halaga na pananim na marijuana ang sinunog kahapon sa bulubundukin ng Tinglayan, Kalinga, ayon sa Police Regional Office-Cordillera (PROCOR).

Ayon kay PROCOR spokesperson P/Capt. Marniel Abellanida, pinagsanib na miyembro ng Kalinga Provincial Police Office (KPPO) at Presidential Drug Enforcement Agency-Kalinga (PDEA-Kalinga) ang nagsagawa ng marijuana eradication operation sa lupaing may lawak na 1,350 metro kuwadrado sa nasabing lugar.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sinabi ng opisyal, na mahigit 13K na piraso ng fully grown marijuana ang binunot at sinunog ng mga operatiba.

Sa isinagawang operasyon na tinawag na “OPLAN 15 Muggles”, ay bahagi pa rin ng patuloy na kampanya para malinis ang mga drug-affected areas sa lalawigan ng Kalinga. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.