Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3M ni Eala, Feb pa aprub

0 227

Buwan pa lamang ng Pebrero ng ngayong taon iprubado ng ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tulong pinansiyal para kay tennis teen star Alexandra ‘Alex’ Eala.

Ito ang nakasaad sa PSC Board Resolution 2980 na “Approved financial assistance in the amount of P3M. This is upon the request of Mr. Michael Eala for financial support for his daughter, Alexandra covering tournaments, travels and two months training.”

SM food to go Banner Ad

Nakalagay rin sa PSC BR na may petsang Nobyembre 21, 2019 ang attach letter of Mr. Eala with a notation from the Chairman “for Referendum/Board.” Pinirmahan ito ni PSC Chairman William Ramirez ang sulat noong Nobyembre 27, 2019 para sa tulong kabilang ang katatapos na French Open kung saan semifinalist ang 15-year-old netter.

Gayunman, kahit matagal ng approved, nito lang Setyembre 9 nag-submit ng requirements ang ama ni Eala kaya hindi nailabas ang tulong pinansiyal. Pinuna ng mga magulang ng tenista ang PSC dahil sa kawalan pa ring ayuda sa anak gayung nag-post sa FB ang ahensya na meron na. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.