Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3M shabu nasamsam sa Mandaluyong

0 175

Nalambat ng Mandaluyong Police ang isang tulak ng iligal na droga at nakuhanan ng 500 gramo ng shabu na may street value na P3 milyon, sa Barangay Malamig.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Saddam Masukat, nasa hustong gulang na kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.

Inaresto ang suspek sa kahabaan ng Boni alas-siyete Miyerkoles ng gabi nang isagawa ng mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) ang buy-bust operation laban sa suspek na matagal na nilang tinitiktikan dahil sa pagtutulak ng droga.

SM food to go Banner Ad

Nakumpiska mula sa suspek ang 10 piraso ng plastic sachet ng shabu, dalawang genuine P1,000 at tatlong bundle ng P1,000 boodle money na nagkakahalaga ng P300,000.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell habang inihahanda ang pagdinig sa kaso. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.