Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P4.1B budget ng Quezon para sa 2022 lusot na

0 70

Sa wakas, ipinasa na rin ang panukalang P4.1 bilyong badyet ng lalawigan ng Quezon.

Noong nagdaang Sabado, kahit apat lamang ang dumalong miyembro ng konseho sa isang special session noong Sabado, paspasang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang nakabinbing 2021 Annual Budget.

Mula sa pagpupursige ni Bokal Donaldo “Jet” Suarez na anak ni Quezon Governor Danilo Suarez, ipinasa ng konseho ang 2021 revised provincial annual budget na P4,157,830,020.

Bago ito, bumuo ang konseho kasama si Vice- Governor Samuel Nantes ang kapulungan bilang committee-as-a-whole noong umaga ng Sabado at makatanghali ay isinagawa ang special session.

Bukod kay Suarez, dumalo din ang tatlong niyang kaalyado sa Minority Bloc na sina Bokal Alona Obispo, Yna Liwanag at Rhodora Tan.

Agad na isinagawa ang ang marathon committee hearing at special session matapos na ang walong Bokal na bumubuo ng Majority Bloc ay pinatawan ng 60- day suspension noong Nobyembre 11,ng Department of Interior and Local Government (DILG) base sa kautusan ng Office of the President kung saan nagsampa ng demandang abuse of authority, oppression at grave misconduct.

Ang ika 13 Bokal na si Reynan Arrogancia na kabilang din sa majority bloc ngunit di nakasama sa suspension ay hindi dumalo sa nasabing committee hearing at special session kung saan ipinasa rin ang provincial annual investment plan para sa 2022 na nagkakahalaga ng P5,331,658,038 na siyang pagbabasehan sa proposed annual budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Ubana, tumatayong leader ng Majority bloc, wala sa kanila ang pagkukulang kung bakit hindi naipasa ang panukalang 2021 annual budget.

Aniya, sinunod lang umano nila ang mga proseso at alituntunin na itinakda ng batas hinggil sa pagtitiyak na magagastos ng tama ang salapi ng bayan.

Malinaw aniya na batay sa kanilang ginawang pag-aaral, mayroong mga probisyon sa Annual Proposed Budget na hindi tumutugma sa orihinal na Annual Investment Plan na nauna ng naaprubahan ng konseho.

Una, may nakita umano sila na halos P200 milyon hanggang P300 milion na disconnected o hindi tugma sa orihinal na plano na dapat pagka-gastusan ng pondo.

Pangalawa, hindi detalyado ang malaking bahagi ng proposed budget lump sum. Nakasaad sa Budgetary Regulation na dapat detalyado ang lahat ng gastusin, anong proyekto, at saang bayan o barangay ito gagamitin.

Pangatlo, hindi umano tugma ang nakapaloob na mungkahing budget doon sa mensahe ng gobernador (Executive Message).

Leave A Reply

Your email address will not be published.