Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P4.2M smuggled yosi nasabat, 3 laglag

0 85

Mahigit sa P4 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasabat habang tatlong suspek ang nadakip sa isinagawang operasyon kamakalawa sa bayan ng Cabatangan, Zamboanga City.

Ayon kay Philippine National Police-Officer in Charge (PNP-OIC) Police Lt. General Vicente Danao Jr., ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng PNP, Philippine Air Force (PAF) at Bureau of Customs (BoC).

Naaresto ang tatlong suspek na sina Khan Adin, Aldin Sabtal, at Benshariff Bari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isinagawa ang joint operation kamakalawa matapos makatanggap ng ulat ang awtoridad hinggil sa pagpasok ng mga puslit na sigarilyo sa daungan ng Cabatangan, Zamboanga City.

Matapos ikarga sa isang Elf closed van ay agad na ibiniyahe ang mga sigarilyo subalit nasabat sa ikinasang checkpoint ng awtoridad. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.