Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P4.5 trillion budget pinirmahan ni Duterte

0 233

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trillion General Appropriations Act of 2021 sa ginanap na ceremonial signing sa Rizal Hall ng Malacañang nitong Lunes ng hapon.

Nakapaloob sa 2021 national budget ang P72.5 billion para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Kabilang na dito ang budget para sa storage, transportasyon at distribusyon ng mga bakuna.

Sa nabanggit na pondo, P2 bilyon ang inilagay sa Department of Health (DOH) habang ang natirang P70 bilyon ay nakapaloob sa unprogrammed funds, depende sa makokolektang buwis sa susunod na taon.

Tiniyak ng Pangulo sa publiko na walang masasayang na sentimo mula sa national budget at gagamitin ito ng tama para makabangon sa naging epekto ng COVID pandemic.

Kabilang sa mga departamento ng gobyerno na nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng budget ay ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), State Colleges and Universities (SUCs) , Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), DILG at Department of National Defense (DND). (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.