Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P4.5T budget aprub kay Duterte

0 267

Aprubado na ng Malacañang ang 2021 national budget na nagkakahalaga ng P4.506 trillion.

Ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Linggo na inaprubahan ni Panglong Rodrigo Duterte ang budget para sa susunod na taon sa ginanap na special meeting ng Development Budget Coordination Committee noong Hulyo 30.

Ayon sa DBM, mataas ng 9.9% sa budget ngayong taon ang pondong inilaan para sa 2021 o 21.8% ng gross domestic product.

Base sa pahayag ng DBM, layon ng panukalang 2021 budget na maipagpatuloy ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagpapabuti sa healthcare system, food security, at mga karagdagang investment sa public at digital infrastructure gayundin ang pagtulong sa mga pamayanan upang makaagapay sa krisis.

Kinilatis umanong mabuti ang bawat halagang nakasaad sa panukalang budget dahil dumaan ito sa mga budget heating at consultation ng mga ahensya ng gobyerno bago inaprubahan.

Ipapasa naman ito para sa pagpapatibay ng Kongreso. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.