Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P4.5T budget aprub sa komite ng Kamara

0 92

Lusot na sa House committee on appropriations ang panukalang P4.5 trilyong budget para sa 2021 at inaasahang isasalang na ito sa plenaryo sa susunod na linggo.

Kinumpirma ito ni House committee on appropriations chairman Eric Yap.

Ayon kay Yap, makalipas ang 15 araw na serye ng pagdinig ay inaprubahan na ng kanyang komite ang panukalang 2021 national budget.

Inaprubanan umano ito sa isinagawang executive meeting ng komite noong Huwebes.

SM food to go Banner Ad

Ang panukalang budget para sa susunod na taon ay mataas ng 9.9 porsiyento sa P4.1 trilyon budget ngayong 2020.

Ang education sector pa rin ang nananatiling may pinakamalaking bahagi ng budget na nasa P754.4 bilyon ang alokasyon. Sinundan ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may alokasyon na P667.3 bilyon.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na may alokasyon na P246.1 bilyon, ang Department of National Defense (DND) may P209.1 bilyon, at Department of Health (DOH), P203.1 bilyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Yap na hindi pa tapos ang kanilang trabaho at mas matindi pang pagtatrabaho ang kanilang haharapin sa pagsasalang ng budget sa plenaryo kaya umapela pa rin ito ng kooperasyon sa kanyang mga kasamahang mambabatas para matiyak na maipasa umano sa takdang panahon ang 2021 national budget.

“More work needs to be done and it is my hope that the entire budget process will not be delayed by whatever issue that the Congress may face in the coming days,” dagdag ni Yap.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.