Abante Tonite Interactive

P4.6M ni Robin natalo sa bidding ng mga sulat ni Bonifacio

By
3,009

NANGHINAYANG ang newscaster na si Ces Drilon dahil hindi nakuha ni Robin Padilla ang mga sulat ni Andres Bonifacio.

Nu’ng una nag-bid siya ng P2M pero natalo ito dahil may kumagat ng P4.8M.

Willing na rin sana si Robin at ang partner niya na mag-share ng P4.6M pero naunahan sila.

Gusto lang sana ni Robin na ilagay sa museo para pag-aralan ng mga Indio, Moro at mga Pilipino kung ano ang nangyari sa huling araw ni Bonifacio.

Dasal pa rin niya na makilala ang nakabili para mapanatag ang kalooban niya na hindi elitista o Magdalo ito dahil baka umano sunugin ang mga sulat ni Andres. Kapag kasi nagkaganyan lahat ng sulat ay hindi na original at fake na ang photocopy.

Talbog!

***

ISANG panibagong mundo kung saan iiral ang katapangan, katatagan, pag-ibig, at pag-asa ang bubuksan ng ABS-CBN simula ngayong Lunes (March 5) sa pag-uumpisa ng pinakabago at pinakaaabangan nitong fantaserye na ‘Bagani’.

Pinagbibidahan nina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, at Enrique Gil, sundan sa ‘Bagani’ ang isang naiibang adventure sa primetime kasama sina Lakas (Enrique) mula sa rehiyon ng taga-disyerto, si Ganda (Liza) mula sa rehiyon ng tagapatag, si Lakam (Matteo) mula sa rehiyon ng taga-kalakal, si Dumakulem (Makisig) mula sa rehiyon ng taga-gubat, at si Mayari (Sofia) mula sa rehiyon ng taga-laot.

Bagama’t magkakaibang mga indibidwal, ang lima ay pawang may natatanging kakayahan at may kabutihang puso na handang magsakripisyo para sa iba.

Kaya naman bilang gantimpala ay pagkakalooban sila ng kanilang Diyos na si Apo nga mga makapangyarihang armas — ‘espada ni Minokawa’, ‘pana ni Makiling’, ‘palakol ni Bernardo Karpio’, ‘arnis ni Liwliwa’, and ‘kalasag ng Kataw’ — na kanilang gagamitin bilang maging ganap na mga Bagani na siyang susugpo sa kasamaan ni Sarimaw, kapatid ni Apo na gustong maghasik ng lagim at sakupin ang buong Sansinukob.

Paano haharapin ng mga Bagani ang pu­wersa ni Sarimaw? Ano anong kapangyarihan ang ipagkakaloob sa kanila? Manatili kaya ang kapayapaan sa Sansinukob?

Makakasama rin sa ‘Bagani’ sina Robert Seña, Ana Abad Santos, Rayver Cruz, Lara Quigaman, Enzo Pineda, Christian Vasquez, Mikylla Ramirez, at Joj Martin.

Ito ay sa direkyon nina Richard Arellano at Lester Pimentel sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives.

Pak!