Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P400M ayuda ng DA sa mga magbababoy

0 280

Naglaan ng P400 milyon ang Department of Agriculture (DA) para matulunga ang mga maliliit na magbababoy na apektado ng African Swine Fever (ASF) at mapalakas ang produksyon ng baboy at kamalayan ng industriya sa mga biosecurity protocol.

Ayon kay DA Sec. William Dar ang intervention ay kinabibilangan ng pagtatayo ng mga swine multiplier farm na binubuo ng 20 hog farmer kada isa. Sa pamamagitan nito, pagkakalooban ng DA ang bawat miyembro ng limang biik, 20 bag ng pagkain ng hayop at biolgic.

Dagdag pa ng kalihim, ang clustering strategy ay ipatutupad bilang panimula sa mga lugar na apektado ng ASF bilang bahagi ng enhanced hog production stimulus package. Tinalaga ni Dar si Assistant secretary for livestock, Dr. William Medrano, para mamuno sa naturang proyeto at maging implementor. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.