Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P40B ng NTF-ELCAC tagilid sa Kamara

0 33

Kailangan mabigyang katuwiran ang hinihinging P40 billion dagdag pondo para sa barangay development program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco.

Paliwanag ng House leader, hindi siya tutol na dagdagan ang pondo ng NTF-ELCAC sa ilalim ng 2022 national budget dahil naniniwala siyang dapat ay marami pang barangay mula sa malalayong lugar ang maabot ng tulong ng pamahalaan ngunit kailangan lamang umanong mabigyan katuwiran na tunay na kailangan dagdagan ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa mga gagawin umanong budget hearing ay masasagot kung dapat pagbigyan ang hinihirit na dagdag pondo ng ahensiya.

“I believe during the budget hearings masasagot natin lahat ‘yan,” dagdag ni Velasco. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.