Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P40K benta sa litson manok tinangay

0 52

PINAGHAHANAP ngayon ng Cavite police ang isang 27-anyos na empleyado ng isang tindahan na nagbebenta ng mga lechon manok matapos nitong itakas ang tinatayang P40K na kita sa Bacoor City, Cavite.

Ang pinaghahanap ay si Mark Kevin Laya, binata, ng 047 Brgy Mambog 3, Bacoor City, Cavite dahil sa reklamo ng may-ari ng Don C Lechon Manok sa Brgy Mambog 3, Bacoor City, Cavite na si Kayla Martinez, 36.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa reklamo ni Martinez, alas-8:00 Lunes ng gabi nang natuklasan nito na nawawala ang dalawang araw na kita ng nasabing tindahan na nagkakahalagang P40,000 na tinangay ng suspek.

Ang suspek ang nakatalaga sa tindahan. Hindi na rin ito matagpuan matapos tangayin ang benta. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.