Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P40K shabu nasabat sa tulak

0 203

Nasakote ng mga tauhan ng district drug enforcement unit (DDEU) ang isang lalaki matapos mahuli sa pagtutulak ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer sa buy-bust operation, Biyernes ng hatinggabi sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa report ng Eastern Police District – DDEU, nakilala ang suspek na si Oliver Antipala y Chavez, 39, taga-Pasig City na kinasuhan ng paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

SM food to go Banner Ad

Inaresto ang suspek alas-12:00 ng hatinggabi sa Sandoval, Pinagbuhatan, sa buy-bust operation ng DDEU matapos ang transaksiyon sa pagbili ng shabu ng isang pulis na umaktong buyer ng droga.

Nakumpiska umano mula sa suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 6 gramo ng shabu at nagkakahalagang P40,800, at P300 buy-bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.