Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P41M shabu laglag sa PDEA buy-bust

0 88

Pumalo sa P41.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Lapu-Lapu City.

Sa report, nangyari ito ng Biyernes, Oktubre 1.

Ikinukunsidera na high priority targets sa regional level police drug watch list ang mga naaresto.

Kinilala ang unang natimbog na si Esterlita “En-en” Millanes, 40, ng Barangay Pajo, Lapu-Lapu City na naaresto alas-2:50 ng hapon.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) na si Leia Albiar, si Millanes ay nakuhanan ng 2.1 kilos ng hinihinalang shabu sa Sangi Road, Barangay Pajo.

Nakumpiska nila ang hinihinalang shabu na may estimated market value na P14.28 million.

SM food to go Banner Ad

Dakong alas-kuwatro ng hapon ng parehong araw, nagsagawa ulit ang PDEA ng joint operation sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.

Nakuha naman ang 4 na kilo ng hinihinalang shabu sa dalawang suspek.

Sinabi ni Albiar na si Reny Nabor, 48, at Rhodora Dayuha, 50, ay nahuli sa buy-bust operation Sa Sitio Mustang sa nasabing barangay. Ang apat na kilo ay may street value na mahigit P27.2 million.

Nakuha rin sa kanila ang trolley bag, hand bag, sedan at buy-bust money.

Nakadetine na ngayon ang mga sa Lapu-Lapu City Police Office detention cell. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.