Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P420B ayuda sa Bayanihan 3 ikinasa

0 262

Isinulong sa Kamara ang panukalang Bayanihan 3 kung saan maglalaan ng P420 bilyong pondo para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa bagsik ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Layon ng House Bill No. 8628 o Bayanihan to Arise as One Act na ituloy ang mga naunang ayuda na binigay sa taumbayan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act at Bayanihan to Recover as One Act.

SM food to go Banner Ad

Ang panukala na inihain nina House Speaker Lord Allan Velasco at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ay nakapokus sa pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga naapektuhang negosyo, at ng ayuda uli sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sa ilalim ng panukala, ang P420-bilyong alokasyon ay gagamitin para sa mga sumusunod: P52B subsidy sa maliliit na negosyo; P100B para sa capacity building ng mga negosyo sa “critically impacted sectors”; P108B para sa dagdag na cash assistance sa mga apektadong household; P70B sa sektor ng agrikultura; P30B sa mga nawalan ng trabaho; P30B para sa internet allowance ng mga estudyante at guro ng elementarya, high school, at kolehiyo; P5B sa rehabilitasyon ng mga lugar na winasak ng bagyo; at P25B sa pagbili ng COVID-19 medication at bakuna, at para sa “operational expenses” kaugnay ng pagbabakuna. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.