Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P420B Bayanihan 3 ipupursige ni Velasco

0 438

Isusulong ni House Speaker Lord Allan Velasco ang panukalang Bayanihan 3 na maglalaan ng P420 bilyong pondo para makatulong sa muling pagbuhay ng ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya.

Kasunod ito sa muling paglagay sa maraming lugar sa ilalim ng localized lockdown na dahilan upang mapilitang magsara ang ilang negosyo dulot ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Velasco, maraming Pilipino sa ngayon ang nahihirapan sa pinansiyal kung kaya’t malaking bagay kung mabibigyan ng panibagong ayuda ang ating mga kababayan, mga pamilya at mga negosyong apektado ng pandemya.

Matatandaang mahigit 200 kongresista ang nagpahayag ng suporta sa panukala subalit naging malamig dito ang Malacañang dahil sa paniniwalang sapat na ang P4.5 trillion 2021 national budget at P165-bilyon na Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) Law, para tugunan ang epekto ng pandemya.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.