Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P42B ayuda hirit sa mahihirap na estudyante

0 71

Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) na maglaan ng mahigit P42 bilyon para sa gadget at internet allowance ng mga mahihirap na estudyante.

Ayon sa ACT, ang pondo ay sapat na upang makabili ng P6,000 halaga ng gadget at P150 buwanang internet allowance para sa 20% ng 28.2 milyong estudyante ngayong School Year 2021-2022.

Binigyang-diin ni ACT secretary general Raymond Basilio na sa kabila ng malaking hamon ngayon ang distance learning dahil sa pandemya ay marami pa rin ang nag-enroll na isang patunay aniya sa hangarin ng mga kabataan na mag-aral at matuto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang DepEd ay nakatanggap lamang ng 5.9% pagtaas o P32.8 bilyon sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program (NEP).

Ayon sa ACT binawasan ang budget para sa mga mahahalagang programa gaya ng basic education facilities, flexible learning options, at Indigenous People’s Education Program (IPED), at walang inilaan para tulungan ang mga mahihirap na estudyante. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.